Psychological facts (Part 7)
• “Infatuation” lang ang nararamdaman kung ang tingin mo sa kanya ay napaka-perfect. Pero “love” ang nadarama kung alam mong marami siyang kapintasan pero gusto mo pa rin siya.
• Upang makuha ang atensiyon ng taong nagugustuhan mo, huwag mo siyang pansinin.
• Maganda ang naidudulot na benepisyo sa mental health ng kalalakihan ang pakikipag-usap kahit 5 minuto lang sa magandang binibini.
• Kapag nanaginip ng isda, malaki ang tsansa na ikaw o ang kakilala mo ay buntis.
• Ang mga lalaki ay hindi mahilig pumuri sa kapwa lalaki kaya kung makakarinig sila ng papuri lalo na mula sa babaeng gusto nila, habambuhay nila iyong hindi makakalimutan.
• Kailangan ang 3 hanggang 4 na taon upang lubos nating makilala ang isang tao. Malaki ang tsansa na hindi magkakahiwalay ang mag-asawa kung maghihintay sila ng sapat na panahon para makilala nang malalim ang isa’t isa.
• May 90 percent na tsansa na ang taong nakita mo sa panaginip ay nakatulog na ikaw ang iniisip.
• Kung in love ka sa dalawang tao, piliin mo ang pangalawang nakilala. Kasi kung true love ang naramdaman mo sa una, hindi ka na sana iibig pa sa ikalawang pagkakataon.
• Kung gusto mong tanggapin ang iyong suggestion, maging mapagkumbaba sa pakikipag-usap.
• Sa pangkalahatan, mas madaldal, mas walang alam.
• Kapag nakakita ka ng multo sa panaginip, maging mapagmasid at alerto sa bago mong karelasyon o bago mong kaibigan.
- Latest