Mummy na nahukay sa Egypt, natuklasang may gintong dila!

ISANG grupo ng archaeologists na nagsasagawa ng mummy excavation sa Taposiris Magna Temple, isang ancient Egyptian site sa western Alexendria, Egypt ang nakatuklas ng 16 burial sites na ang isang nakalibing na mummy dito ay may dila na gawa sa ginto!

Ang 16 na nahukay na mga libingan ay mahigit 2000 years old at ang karamihan sa mga mummy na nakalibing dito ay hindi gaanong na-preserved.

Kasama sa nahukay ay mga burial masks na maaaring makapagbigay ideya sa mga archaeologists kung ano ang mga hitsura ng mga mummy noong sila ay nabubuhay pa.

Ayon sa mga teorya ng archaeologists na nakatuklas sa mummy na may gintong dila, ito ay maaaring tinanggalan ng dila noong ineembalsamo at pinalitan ng hugis dilang ginto.

Naniniwala ang ancient Egyptians na sa kabilang buhay ay makakausap ng yumao ang Egyptian god na si Osiris kapag gawa sa ginto ang dila. Si Osiris ang God of Death sa Egyptian mythology.

Si Osiris ang humuhusga sa isang yumao kung naging mabuti o masama ba ito noong siya’y nabubuhay pa.

 

Show comments