^

Punto Mo

Pinas, aangat ang ekonomiya sa Bulacan airport!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SINISIGURO ni San Miguel Corporation (SMC) President at CEO Ramon S. Ang na pakikinabangan ng mga Pinoy sa susunod na mga henerasyon ang P740 bilyon Bulacan airport project. Ang trabaho sa proyekto ay magsisimula na sa 1st quarter ng 2021 matapos masusing pag-aaralan ng mga experts ang mga datos na kinakatakutan ng mga humahadlang sa pagpatayo ng airport, na ang disenyo ay may kapasidad na 200 milyon na pasahero kada taon.

Kinuha ng SMC ang global firm na Royal Boskalis Westminter N.V., sa pamamagitan ng kanilang lokal na opisina, para magsagawa ng development works sa proyekto, ani Ang. “Our selection of a global giant (Boskalis) in dredging shows how ready, willing, and committed we are to do everything necessary to make sure this airport project is developed properly and sustainably,” ayon pa kay Ang.

Idinagdag pa niya na sisiguruhin ng Boskalis na ang aiport project ay magiging angkop sa disenyo nitong pinakamataas na technical, at environment standards kung saan hindi ito matitinag sa pinakamalakas na lindol, lokal na bagyo, at maging ang pagtaas ng sea level. Hak hak hak! Walang dapat ikabahala sa Bulacan airport dahil ang Pinas ang makikinabang dito sa susunod na mga taon, di ba mga kosa? Tumpak!

Kung sabagay, hindi lang itong Bulacan airport, kundi maging ang ibang proyekto na natapos at ginagawa pa, ang inaasahang susulong sa ekonomiya ng bansa sa darating na mga taon. Kaya lang, nangingibabaw talaga itong airport sa Bulacan kung saan ini-award sa SMC noong Agosto 2019 sa ilalim ng Build-Operate-Transfer (BOT) scheme ng gobyerno.

Ayon sa R.A. No. 11506, ang SMC ang mag-construct, develop, establish, operate at mag-maintain ng domestic at internaional airport sa Bulakan, Bulacan at katabing siyudad na Airport City sa loob ng 50 taon. Sa totoo lang, pabor ang lahat ng Senador samantalang may mangilan-ngilan ang umaayaw dito sa Kongreso sa proyekto na hindi lang naman ang probinsiya ng Bulacan ang makikinabang kundi ang buong Pinas sa darating na mga taon, di ba mga kosa?

Ayon sa nasabing franchise law, ang SMC ay magkaroon ng tax exemption sa loob ng 10-year construction period. Kapag natapos na ang airport, patuloy pa din ang tax exemption ng SMC at mag-expire lang ito matapos matanto ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na narekuber na nila ang kanilang investments. Hak hak hak! Ito na ang tinatawag na tax incentives ng mga investors, di ba mga kosa?

Kahit sa panahon ng pandemya, itutuloy ng SMC ang proyekto kahit kokonti ang bumibiyahe sa ngayon dahil madaming Pinoy o turista ang umiiwas sa virus. Madaming Pinoy ang nawalan ng trabaho bunga sa pandemya at kapag naumpisahan na ang proyektong ito, makakatulong ito para maibsan ang unemployment problem ng gobyerno.

At ang magandang forecast ay sa loob ng sampung taon na operational itong airport, halos 9 percent ng GDP ay manggagaling sa San Miguel Aerocity Inc. Get’s n’yo mga kosa? Kahit patuloy ang operation ng NAIA at Clark airport, hindi nila matustusan ang tinatayang 100 milyon na turista na darating sa bansa kapag wala na ang virus. Abangan!

 

BULACAN AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with