^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibalik, nakulimbat ng ‘pork barrel queen’

Pang-masa
EDITORYAL - Ibalik, nakulimbat ng âpork barrel queenâ

GUILTY ang hatol ng Sandiganbayan First Divi­sion­ sa “pork barrel queen” na si Janet Lim Napoles. Ito ang ikalawang conviction kay Napoles, una ay noong Disyembre 2018 na guilty rin ang verdict­. Lahat may kaugnayan sa pandarambong sa Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund.

Bukod kay Napoles, hinatulan din si dating Cagayan De Oro representative Constantino Jaraula at mga empleyadong sina Maria Rosalinda Lacsamana, Belinda Concepcion at Mylene Encarnacion. Sa 103 pahinang desisyon, sinampahan sina Napoles at mga kasama ng tig-tatlong bilang ng graft at malversation.

Dahil dito, hinatulan sila ng anim hanggang 10 taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices act samantalang 12 hanggang 18 taong pagkakakulong naman para sa malversation. Inatasan din sina Napoles at mga akusado na ibalik sa pamahalaan ang P56 milyong ninakaw nilang pondo.

Bukod naman sa graft at malversation na isinampa kay Jaraula, napatunayan din siyang guilty sa tatlong counts ng direct bribery na may parusang apat hang­gang siyam na taong pagkakakulong.

Sa unang conviction ni Napoles, napatunayang guilty siya sa pagnanakaw ng P10 bilyon sa PDAF na minaniubra niya noong 2013 dahil sa paggamit ng pekeng non-government organizations (NGOs). Nabulgar ang raket ni Napoles dahil sa pinsan niyang si Benhur Luy. Nadawit sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa pork barrel­ scam at inakusahan ng Office of the Ombudsman ng plunder at graft. Nakulong ang tatlong senador pero nakapagpiyansa. Huling lumaya si Sen. Bong Revilla.

Ngayong nahatulan ng Sandiganbayan si Napoles at iba pa, mayroon pa ring mga katanungan na naiiwan. Nasaan na ang iba pang akusado o kasabwat niya sa pagnanakaw ng pondo. Nasaan na rin ang kapatid niyang si Reynald Lim na umano’y nakinabang din sa pondo? Dapat magkaroon ng konklusyon ukol dito.

Bilyong piso ang nakawat ni Napoles at sana ang kautusan ng Sandiganbayan na maibalik sa pamahalaan ang kanyang mga nakulimbat ay magkatotoo. Kailangan ng bansa ang malaking pondo dahil sa pandemya. Kung maibabalik ang ninakaw ng “pork barrel queen’’ maaaring ibili ng bakuna laban sa COVID-19. Pawang utang ang ginagawa ng bansa ngayon at hanggang leeg na.

 

JANET LIM NAPOLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with