Ang mga babae ay mabilis mainip.
Sa “top 20 richest women in the world”, isa lang ang yumaman mula sa sariling pagsisikap, ang 19 ay mga pinamanahan lamang ng mayayamang magulang o asawa.
Mga 2 percent lang ng mga kababaihan ang naglala-rawan sa kanilang sarili na sila ay maganda.
Hindi naaakit ang mga babae sa mga lalaking malaki ang tiyan.
Sa 19 pares ng sapatos na pag-aari ng isang babae, apat lang doon ang regular niyang isusuot.
Magagaan ang timbang ng sanggol na isinisilang ng matatangkad na babae.
Maliit lang na sanggol ang ipinapanganak ng babaeng humihilik habang siya ay nagbubuntis.
Mas magaling ang mga babae sa multitasking kaysa mga lalaki.
Nahihirapang maghanap ng mapapangasawa ang mga babaeng may mataas na I.Q. Mas pipiliin nilang maging single forever kaysa mapapunta sa lalaking hindi pasado sa kanilang panlasa.
Sa umpukan ng mga lalaki, mahilig silang mag-insultuhan pero biruan lang iyon at walang katotohanan. Sa umpukan ng mga babae, nagpupurihan sila sa isa’t isa pero plastikan lang iyon at walang katotohanan.
Ang mga babae ay magaling ang memorya sa pag-alala ng pangalan ng magagandang babae dahil “threat” iyon sa kanila.
Bagama’t mas maliit ang utak ng babae kaysa lalaki, ginagamit naman niya iyon nang buong husay.
Mas madalas bangungutin ang mga babae at ang kanilang napapanaginipan, kung hindi nakakatakot ay emotionally based dream, halimbawa ay nagtatampo o nagseselos.
Kung gusto mong manalo sa pakikipagtalo sa mga babae, tumahimik ka at tingnan mo ang mangyayari.
Mas sabik sa sex ang mga babae kaysa lalaki, hindi lang sila nagpapahalata.