1. Ang mga taong perfectionist ang madalas makaranas ng depresyon dahil nai-stress sila kung paano magiging perpekto ang lahat ng kanilang ginagawa.
2. Nakakahawa ang stress. Base sa pagsasaliksik ng Max Planck Institute for Cognitive and Brain Sciences and the Technische Universität Dresden, makakadama tayo ng stress kahit walang pinoproblema kapag ang kasama natin araw-araw ay taong sobrang stressed. Kaya mas mainam na maging mapili sa mga kakaibiganin natin.
3. Ang taong late nang matulog sa gabi ay malakas ang loob na sumugal sa pag-ibig, career, at iba pang desisyon sa buhay kaysa mga taong maagang matulog.
4. Hindi mo maaaninag ang iyong sarili sa kumukulong tubig, kagaya nang hindi mo makikita ang katotohanan kung hahayaan mong mangibabaw ang nadarama mong galit.
5. Aminin at humingi ng tawad kung ikaw ang nagkamali at manahimik kung ikaw ang tama. Ito ang isang paraan upang ang relasyon mo sa ibang tao ay maging maayos.
6. Tandaan mo ang sinabi sa iyo ng taong nagagalit sa iyo. Malaki ang tsansa na ‘yun ang katotohanan. Ang moment na nagiging honest ang mga tao sa kanyang kausap ay kapag sila ay lasing o galit.
7. Makinig sa music na walang vocals, kapag nagbabasa, nagsusulat o nag-aaral dahil nakakatulong ito para lalong mag-concentrate sa ginagawa.
8. Huwag humingi ng paumanhin kung ikaw ay may high standards. Ang mga taong genuine ang pagnanais na makasama ka ay magsisikap na mag-adjust para makahabol sa iyong pamantayan.