^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi na maabot, presyo ng mga bilihin sa MM

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi na maabot, presyo ng mga bilihin sa MM

LINGGU-LINGGO ang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel. Sa Martes, may nakaamba na namang pagtaas. Mula nang pumasok ang 2021, limang beses nang nagtaas ang petroleum products.

At ang matindi, sumabay sa pagtaas ang mga pangunahing bilihin sa Metro Manila. Taas-presyo ang isinalubong sa mamamayan. Dahil sa pagtaas ng bilihin, hindi na magkasya ang P537 na arawang kita ng mga manggagawa sa Metro Manila. Kulang na kulang at wala nang ihihigpit pa ng sinturon. Bukod sa mataas na bilihin, nagbabayad pa ng upa sa bahay, bayad sa kuryente at tubig. Humihiling ang mga manggagawa na itaas sa P650 ang minimum wage para makahabol sa mataas na presyo ng bilihin.

Nang pumasok ang 2021, mataas na presyo ang bumulaga sa maliliit na consumers. Hindi anila magandang pasalubong ito sa bagong taon sapagkat halos lahat ng mamamayan (particular ang mga mahihirap) ay apektado ng pandemya. Marami ang nawalan ng trabaho at sa kasalukuyan ay hindi malaman kung saan hahagilapin ang sunod na ibibili ng pagkain.

Unang naramdaman ang mataas na presyo ng karneng baboy na sa kasalukuyan ay P400 ang 1 kilo. Mataas din ang presyo ng karneng baka na ngayon ay P380-400 ang kilo. Tumaas din ang kilo ng manok na ngayon ay P380.

Pati mga gulay ay tumaas din. Ang talong ay P120 hanggang P180 ang kilo; sitaw, P80 ang kilo; petsay, P140-180 ang kilo; bawang, 100 ang kilo at ang siling labuyo, P800-1,000 ang kilo.

Sabi ng Department of Agriculture, ang kawalan daw ng matatag na suplay ang dahilan kaya mataas ang presyo ng karne at gulay. Kaya raw mataas ang presyo ng gulay ay dahil sa malamig na panahon. Wala namang sinabi ang DA kung bakit mataas ang presyo ng karne sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Kawawa naman ang kakarampot ang suweldo na pinagkakasya lamang para makaraos sa maghapon. Sana makagawa ng paraan ang pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga bilihin para maabot ng mga kakarampot ang kita ngayong panahon ng pandemia. Kung walang magagawang paraan, dapat na ngang itaas ang arawang sahod sa MM. Kawawa naman ang mga dukhang manggagawa.

GASOLINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with