^

Punto Mo

EDITORYAL - Bahay-bahay na pagbabakuna

Pang-masa
EDITORYAL - Bahay-bahay na pagbabakuna

BALAK ng Department of Health (DOH) na house-to-house ang pagbabakuna sa mga taong madaling tamaan ng virus gaya ng mga matatanda at mga may kapansanan. Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III nang dumalo sa pagdinig ng House Committee on Health na bahagi ng kanilang plano ang pagbahay-bahay na pagbabakuna para sa mga taong walang kakayahang magtungo sa mga itinakdang vaccination centers. Kabilang nga sa mga ito ang mga matatanda at person with disabilities (PWDs) at iba pa na lubhang delikado na kung magtutungo pa sa vaccination centers sapagkat maaaring mahawa ng virus. Ang mga matatanda ay madaling kapitan ng sakit.

Maganda ang balak na ito ni Duque at ma-laking kaginhawahan sa mga matatanda at may kapansanan. Tinatayang may 10 milyong senior citizens sa bansa ang mababakunahan kapag dumating na sa bansa ang bakuna. Ayon kay Duque, maaaring sa Marso ay dumating na ang inaasam na bakuna at tuluy-tuloy na ang pagbibigay nito sa mamamayan. Hindi naman binanggit ni Duque kung anong bakuna ang gagamitin sa mamamayan. Una nang sinabi ni vaccine czar Garlito Galvez Jr. na nakipag-deal na ang pamahalaan sa Pfizer at hinihintay na lamang ang approval. Nang dumalo sa Senate probe, sinabi ni Galvez na ang deal sa Sinovac ay hindi pa pinal at maaari pang ma-scrapped. Ang mga local government units (LGUs) naman na may kakayahang bumili ng vaccine ay may kanya-kanya nang order. Karamihan sa LGUs ay nakipag-deal sa AstraZeneca.

Magandang marinig na may mga nilalatag nang plano ang DOH para sa pagbabakuna at bahay-bahay pa ang balak para sa senior citizens. Sa puntong ito, dapat maging maingat para hindi matulad sa napabalitang mga namatay na matanda sa Norway makaraang bakunahan. Silipin ang pangyayari.

Simulan na rin ng DOH ang pagbibigay ng sapat na inpormasyon sa publiko na may kinalaman sa bakuna para maiwasang matakot o mangamba. Ang maliwanag na pagbibigay ng kaalaman sa mamamayan sa panahong ito kaugnay sa bakuna ay lubhang mahalaga.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with