1—Ang mga babaing mahilig tumambay sa labas ng kanilang bahay ay tsismosa at inggitera.
2—Huwag mong pauutangin ang kapitbahay na kakatok sa iyong bahay para lang mangutang. Mas malaki ang tsansa na siya ay makapal ang mukha at balasubas. Kung manipis ang kanyang mukha, hindi niya makakayang mangatok ng pintuan ng kapitbahay para lang mangutang.
3—Huwag mong bibilhan ng paninda ang kapitbahay na nambabati lang kapag may ibebenta sa iyo.
4—Huwag mong ikukuwento kung ano ang sakit mo. Mangkukulam is everywhere. Kapag nainggit at nagalit ang mga ‘yan, ang tinatarget nila sa biktima ay ‘yung bahagi ng katawan na may sakit. Para kapag namatay ang kanilang biktima, iisipin kaagad ng kamag-anak ay sakit ang ikinamatay. Sounds crazy pero mabuti na ang nag-iingat. At saka bakit mo naman ikukuwento sa kapitbahay ang iyong sakit, sila ba ang doktor mo?
5—Huwag makikipag-away sa mga tsismosa. Wala silang iniingatang dignidad kaya hindi natatakot na maeskandalo. Kung sobra na ang pagyurak sa iyong reputasyon, idemanda mo. Ang teknik diyan para mabigyan mo ng leksiyon, unahan mong kumuha ng abogado sa Public Attorney’s Office (PAO).
Kasi kapag naunahan mo, hindi na siya puwedeng kumuha ng abogado sa PAO. Mapipilitan siyang kumuha ng private Attorney na mahal ang bayad. Matatakot ang mga iyan. Kadalasan, ang mga tsismosa ay poor and jobless kaya walang pambayad sa abogado.
6—Kung kinakaibigan ka ng tsismosa, tanggapin ang iniaalok na friendship pero lagyan ng boundary ang pakikipagkaibigan.
7—Kung mahilig manghiram ng gamit, pagbigyan mo ng isang beses pero magdahilan ka na sa susunod. Kapag nawili ang mga iyan, may pagkakataong hindi na isasauli ang hiniram. O, kaya, nagsasauli pero dadalasan ang panghihiram hanggang sa sila na ang makakasira ng gamit.
8—Magtiwala pa rin na may tunay na mababait na kapitbahay. Pero sila rin ‘yung walang oras para makipagtsikahan dahil abala sa paghahanapbuhay.
9—Huwag malungkot kung halos lahat ng iyong mga kapitbahay ay tsismosa. Mauubos din ang mga ‘yan. ‘Yun nga lang hindi sabay-sabay. Una-una lang ang paglisan nila sa inyong lugar. May lumilipat ng bahay… may lumilipat sa kabilang buhay.
10—Hindi lahat ng “tsismosa” ay babaing kapitbahay. Mas grabeng magtsismisan ang mga lalaki mong kapitbahay. Kaya lang mas magaling silang mag-research kaya mas totoo ang nasasagap nilang tsismis. Hindi kagaya ng mga babae, madalas ay narinig lang nila ang balita sa isang kakosang tsismosa. Kaya ang tsismis na nakalap nila ay 3rd hand information, kaya ang balita ay madalas na may dagdag-bawas.
“People will question all the good things they hear about you but believe all the bad without a second thought.” ~ Unknown