1. Simula pa noong unang panahon, itinuturing na ng mga Greeks na ang mansanas ay ultimate symbol ng love and sexual desire. Naging simbolo ito ng pag-ibig dahil ang mansanas ay nananatiling fresh kahit matagal na itong pinitas mula sa puno.
2. May paniwala sa Ireland na kapag nginuya ng babae ang four leaf clover habang iniisip niya ang lalaking crush niya, darating ang panahon na magkakagusto rin ang lalaki sa kanya.
3. Mas intense ang pag-ibig ng lalaki sa babae kung nagkakilala sila sa panahon na nanganganib ang babae at siya ang aksidenteng naging tagapagligtas nito.
4. Mas mabilis ma-in love ang isang tao kung naghahanap siya ng adventure, gustung-gustong humiwalay ng tirahan sa kanyang pamilya, malungkot, nag-iisa sa ibang bansa, nagsisimula sa bagong episode ng kanyang buhay at financially and psychologically ready para mag-asawa.
5. Naaakit ang mga babae sa mga lalaking ambisyoso, may pinag-aralan, mayaman, nirerespeto sa komunidad, may sense of humor, at mas matangkad sa kanila. Type rin nila yung may cheekbone at emphasize ang panga. Palatandaan daw iyon ng kakayahan sa pakikipagtalik at makapagbigay ng anak.
6. Ayon sa philosophical text na Symposium ni Plato, ang unang tao noon ay hermaphroditic beings na may 4 na kamay, 4 na paa, 2 mukha at 2 sets ng genitals. Ngunit may ginawa ang tao na ikinagalit ni Zeus. Bilang parusa, hinati niya ang tao sa isang lalaki at babae. Tapos nilikha niya ang “pagnanasa” ng bawat isa na magtutulak upang sila ay ma-in love sa isa’t isa. At kapag isinakatuparan nila ang pagnanasang iyon sa pamamagitan ng pagtatalik, magiging “isa” silang muli, kagaya ng kanilang pinagmulan.