^

Punto Mo

‘The Sick Man of Asia’

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

NOONG 1950s, pangalawa na ang Pilipinas sa Japan sa punto ng kaunlaran. Marami pa nga ang nag-aakala na maaaring maungusan ng Pilipinas ang Japan dahil sa kahusayan ng mga Pilipino sa pagsasalita ng English. Ngunit noong1970s hanggang 1980s, tinagurian ang Pilipinas bilang “The Sick Man of Asia” bunga ng pagbagsak ng ekonomiya dahil sa pagmama-labis at katiwalian sa panahon ng batas military.

Gayunman, noong 2013, nagsimula ang paggaling ng Pilipinas, umangat ang ekonomiya nito, at nabawasan ang kahirapan ng mga Pilipino. Sinimulang tawagin ng World Bank ang Pilipinas na “Asia’s Rising Tiger.” Ang maysakit na Pilipinas ay bumangon mula sa pagkakasakit at nagsimulang tumakbo na parang isang tigre. Nakasama ang Pilipinas sa liga ng mga tinatawag na “breakout nations.”

Ang malungkot, hindi nagtuluy-tuloy ang pag-unlad. Naluklok sa kapangyarihan ang mga taong walang sapat na kakayahan sa pamamahala, lalong lumaganap ang katiwalian, sinalanta ang Pilipinas ng sunud-sunod at matinding kalamidad, hanggang sa malubhang tinamaan ng COVID-19 pandemic. Ano ang nangyari? Ang magaling na sanang Pilipinas ay muling naratay sa karamdaman, at ngayon ay tila nagbabalik sa taguring “The Sick Man of Asia.”

Dahil sa pagbagal ng takbo ng ekonomiya, tinataya ng World Bank na sa taong ito ay madaragdagan ng 2.7 milyon ang mga Pilipinong mahihirap dahil sa pagbagsak ng gross domestic product (GDP), ang kabuuang economic output ng isang bansa sa bawat taon na kinapapalooban ng personal na gastusin, pamumuhunan, government spending at net exports. Ayon sa World Bank, inaasahang liliit ng 8.1 percent ang GDP ng Pilipinas sa taong ito, mas malala kaysa sa pinakamaliit na nairekord noong 1984 nang mabaon ang Pilipinas sa pagkakautang bunga ng pagpatay kay Ninoy Aquino.

Sa ginawang survey kamakailan ng Social Weather Station, lumabas na 7.6 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila’y nakaranas ng pagkagutom, ito ang pinakamataas na “hunger incidence” mula noong 2014. Ang mas malala, 2.2 milyong pamilya ang nagsabi na sila’y nakaranas ng matinding pagkagutom, ayon sa record at ito ang pinakamataas sa kasaysayan.

Paano makakabangon ang Pilipinas mula sa malubhang sakit nito? May inaalok na solusyon ang Bibliya.  Ganito ang wika sa 2 Cronica 7:14, “Ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain.” 

Simple lang: Ibabalik ng Diyos ang kasaganaan ng Pilipinas na naranasan nito noong 1950s kung ang mga Pilipino, sa pangunguna ng matataas na pinuno, ay matututong magpahalaga sa mga mabababa, sumampalataya sa Diyos, at tumalikod sa kanilang kasalanan na tulad ng katiwalian, pagsasamantala sa tungkulin, imoralidad, at kawalang-katarungan.

Mula sa pinakamataas na pinuno hanggang sa pinakamababang mamamayan ay may papel na  gagampanan tungo sa ating paggaling bilang “The Sick Man of Asia.” Kapag bawat Pilipino’y magmamalasakit sa Pilipinas, mangyayari ang sinasabi sa Deuteronomio 28:12-13, “…hindi kayo mangungutang, sa halip, kayo pa ang magpapautang sa ibang bansa. Gagawin kayo ng Diyos ninyong si Yahweh na pinuno ng mga bansa, at hindi tagasunod. Uunlad kayo at hindi mabibigo kung susundin ninyong mabuti ang kanyang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon.”

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with