^

Punto Mo

Nakaaaliw na psychological facts tungkol sa pag-ibig (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Hindi lang sa mga tao mayroong monogamous relationship kundi totoo rin ito sa wolves, swan, gibbons, black vultures, albatrosses at kahit sa mga anay. Ang monogamy ay pakikipagrelasyon sa isang tao lamang habang buhay.

2. Apat na minuto lamang ang itinatagal para makumbinsi ang ating sarili na gusto natin o hindi ang isang tao sa unang pagkikita base sa 3 naobserbahan sa kanya: hitsura niya, tono ng boses kapag nagsasalita at ano ang sinasabi niya, kung may sense ba o wala.

 3. Ang pagtitig sa litrato ng minamahal ay nakakabawas ng sakit na nararamdaman ng isang pasyente.

4. Malaki ang tsansa na magkatuluyan ang magkarelasyon na pareho ang level ng kanilang “physical attractiveness”. Halimbawa, pareho silang medyo pangit, o parehong maganda’t pogi. May mangilan-ngilan na nagkakatuluyan din na isang pangit at isang may hitsura dahil ang “pangit” ay nagtataglay ng socially desirable qualities kagaya ng mayaman at may kapangyarihan sa lipunan.

5. Ang pagiging in love at pagkakaroon ng masayang sex life ay nagpapagana ng creativity at nagiging focus sa kanyang trabaho.

6. Kung ikaw ang laging nauunang nagte-text sa isang tao, may 90 percent tsansa na hindi siya interesado sa iyo.

7. Kahit ano pang kamalian ang gawin sa iyo ng mahal mo ay hindi ka makakadama ng galit sa kanya.

8. Ngunit hindi mo siya tunay na minamahal kung may ikinagalit ka sa kanya at tatlong araw na ay hindi pa rin ito humuhupa,

9. Mas madalas na nagkakausap, mas lalo kang nai-in love sa kanya.

10. Nakakadama ng mas matinding emotional pain ang mga lalaking nasa edad early 20s kapag nakipaghiwalay sa girlfriend kaysa mga babaeng kasing edad nila na nakaranas rin ng break up.

PSYCHOLOGICAL FACTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with