^

Punto Mo

EDITORYAL - Magtanim ng puno

Pang-masa
EDITORYAL - Magtanim ng puno

KALBO na ang mga bundok. Sinalaula ng mga illegal logger. Pati sa mga watershed areas, pinagpuputol din ang mga puno. Wala nang nakatanim na puno sa mga pampang ng ilog at sapa sapagkat pinutol na upang gawing uling para ibenta sa mga restawran at mga litsunan ng baboy at manok. Wala nang matanaw na luntiang mga kahoy sa bundok, sa halip, lupang guho ang maaaninag. Nawalan na ang mga ugat na kumakapit sa lupa kaya mahina at nagkakaroon ng soil erosion. Sa malakas at matagalang pag-ulan, naiipon ang tubig sa kalbong bundok at dito na magsisimula ang pagguho o landslide.

Sa nangyaring malawakang pagbaha sa Cagayan noong nakaraang linggo na nagdulot nang malaking pinsala sa lalawigan at naging sanhi ng kamatayan ng 13 katao, isa sa itinuturong dahilan nang pagbaha ay ang pagkakalbo ng mga kabundukan sa lugar. Wala nang punongkahoy sapagkat pinagpuputol na ng mga illegal na magtotroso.

Ayon sa report, ang paligid ng Magat Dam ay unti-unti na ring nauubos ang mga kahoy. Walang patid ang pagputol sa mga kahoy doon na mahalaga pa naman para maging matibay ang lupa sa paligid ng dam. Kapag nawala ang mga puno sa paligid ng dam, asahan na ang mga pagbaha. Wala nang kokontrol sa tubig at mas lalong malubha ang pagbaha.

Sinisisi ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang management ng Magat Dam sa pagpapakawala ng tubig na nagresulta sa malaking baha. Sinusuportahan ni Mamba ang isasagawang imbestigasyon sa ginawang pagpapakawala ng tubig. Sabi naman ng Magat ma-nagement, hindi sila dapat sisihin sa nangyari. Anila, talagang maraming ulan ang binagsak ng Bagyong Ulysses dahilan para umapaw ang Cagayan River.

Balak ng pamahalaan na ang mga estudyanteng kukuha ng government license ay required na magtanim ng puno. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pangmatagalang solusyon ito para mapigilan ang pagbaha.

Makabuluhan ang balak na ito at maaaring solusyon sa problemang baha. Sa rami ng mga estudyanteng kukuha ng lisensiya, maraming puno ang maitatanim. Siguruhin lamang na ang mga itatanim na puno ay maaalagaan. Marami nang pangyayari na kapag naitanim na ang mga puno sa bundok o sa pampang ng ilog, pinabayaan na at namamatay. Sana, mayroong mag-aalaga sa mga itinanim na puno para masigurong mabubuhay at hindi naman nasayang ang pagpapakahirap ng mga nagtanim at gumastos sa biniling pananim.

 

TREES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with