DAHIL sa hirap na dinaranas ngayon ng mga estudyante, isang kolehiyo sa Indonesia ang tumatanggap na ng buko bilang pang-tuition.
Tatanggap na ang Venus One Tourism Academy sa Gianyar, Bali ng buko mula sa mga estudyanteng hindi makakapagbayad ng salapi para sa kanilang tuition fee. Inaasahang kikita ang school mula sa mga ipinambayad na buko mula virgin coconut oil na makukuha mula sa mga ito.
Hindi lang buko ang tatanggaping bayad ng kolehiyo sa halip na pera dahil pati mga dahon ng moringa at gotu kola na mga sangkap sa herbal soaps ay tatanggapin din daw nila.
Ang mapagbebentahan mula sa mga produktong magmumula sa mga buko at dahong kanilang matatanggap mula sa estudyante ang ipantutustos sa pagpapatakbo ng eskuwelahan at sa iba pang mga gastusin nito.