HINIMOK ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang mga pinuno ng Senado at Kamara na pakinggan ang panawagan ng deaf community at maglaan ng sapat na pondo para sa paggastos ng mga ahensiya para sa pagpapatupad ng Filipino Sign Language Law (FSL).
Sabi ni Castro, “Ang pagpasa ng RA 11106 (FSL Act) ay resulta ng mahabang pakikibaka at sama-samang pagtulak at kampanya ng deaf community sa pamamagitan ng ACT Teacher Party-list. Sa pagpasa ng batas, inaasahan namin ngayon na maglaan ang Kongreso ng sapat na pondo para sa paggastos ng mga ahensya para sa pagpapatupad ng FSL.
Ang batas na ito ay sumasalamin sa mga prinsipyo ng UN Convention of Persons with Disability. “Tinatawagan din namin ang mga inatasang ahensya upang mapabilis ang paggawa ng mga pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon (IRR). Dalawang taon mula nang maisabatas ang Batas sa FSL, walang nilikha ang mga ahensya na ito. Napakatagal ng paghintay ng pamayanan ng bingi at ngayon na ang oras na binibigyang pansin natin ang kanilang mga panawagan.”
• • • • • •
Notorious dedbol sa PNP-AKG
Lumaban sa pulisya ang dalawang notorious suspects sa Pililia, Rizal, kaya naman kinuha sila ni Lord nang makipagbarilan sila sa mga awtoridad.
Hindi na umabot sa ospital sina Jake Pingal Anden at ang hindi pa matukoy na kasangga nito.
Sabi nga, dead on the spot!
Ayon kay Maj. Ronald Lumactod Jr., tagapagsalita ng PNP-Anti-Kidnapping Group, bumuo ng grupo si General Jonnel Estomo, director ng PNP-AKG, para hulihin sina Anden matapos makakuha ng impormasyon na pagala-gala ang mga suspects na armado ng baril. Mapanganib ang dalawang personalidad na sangkot sa serye ng mga iligal na transaksyon ng baril, pagnanakawan, holdap, gun for hire, carnapping, motor-napping at kidnap sa Rizal.
Sinabi ni Lumactod, ang mga napatay ay pinaniniwalaan kasapi sa grupo ni Ryan dela Cruz ng Mokong kidnap for ransom group.