32 toneladang carrots, itinambak para sa sining

LAKING gulat ng mga tao sa isang campus sa London nang itambak ang may 32 toneladang carrots sa gitna ng kalsada.

Hindi tuloy magkamayaw ang mga dumaraan na kuhanan ng mga litrato at video ang bundok ng carrots na itinambak sa gitna ng daan sa University of London.

Noong una, marami ang nagtataka kung bakit may nakahambalang na tone-toneladang carrots sa daan ngunit naging malinaw din sa lahat nang ipaalam ng pamunuan ng nasabing unibersidad na isang art installation ang bundok ng carrots.

Kagagawan pala ito ni Rafael Perez Evans, isang art student ng unibersidad.

Pinangalanan niya ang kanyang likha bilang “Grounding” at kabilang ito sa mga exhibit ng art show na isasagawa sa University of London.

Ayon kay Evans, ukol sa pagsasayang ng pagkain ang paksa ng kanyang likhang si-ning.

Wala naman daw nasa-yang sa itinambak niyang carrots dahil ipinamigay niya ang mga ito bilang pakain sa hayop.

 

Show comments