^

Punto Mo

EDITORYAL – Kawawang mga magsasaka

Pang-masa
EDITORYAL – Kawawang mga magsasaka

MAS mahal pa ang face mask at face shield kaysa sa palay na pinagpagurang itanim, alagaan at pagkagastusan ng mga magsasaka. Pagkatapos nilang anihin ang palay, naibebenta lang nila ito ng P12 hanggang P15 isang kilo. Sobrang mura! Mas mahal pa ang face shield na ibinibenta ng P50. Sabi ng ilang magsasaka, sana nagbenta na lang sila ng face mask at face shield para sigurado ang kita.

Anihan ngayon at umaasa ang mga magsasaka na makababawi sa kanilang mga nagastos pero masaklap ang nangyari sapagkat ang inaasahan nilang P17 hanggang P19 bawat kilo ng palay ay P12 lang pala mabebenta. Talo pa sila sa mga nagastos sa binhi, fertilizer, pesticides, bayad sa patubig at iba pa.   

Ang himutok ng mga magsasaka, binibili sa kanila ng mura ang palay subalit ang bigas naman sa pamilihan ay mahal ang presyo na kadalasang P30 hanggang P40 ang kilo. Hindi umano parehas ang nangyayari. Mura kapag sila ay nagbebenta pero kapag bibili ng bigas ay ubod na ng mahal.

Nakaalarma na ang ganitong pagbulusok ng presyo ng palay na para bang tinitikis ang mga magsasaka. Kung kailan panahon ng anihan na umaasa ang mga magsasaka na malaki ang kikitain ay saka naman bagsak ang presyo.

Maaaring ang pagbaba ng presyo ng palay ay may kaugnayan sa rice tarrification law kung saan malaya nang makapasok ang mga imported na bigas mula sa Thailand, Vietnam at China. Dumadagsa ang bigas mula sa mga nabanggit na bansa at dahil sobrang dami at nataon pa sa anihan, kaya mababa ang presyo ng palay.

Dapat suspendihin muna ang pagpasok ng imported na bigas sa panahon ng anihan para naman makinabang ang mga lokal na magsasaka. Huwag hayaang maki-agaw ang imported sapagkat kawawa naman ang mga magsasaka na umaasa sa kanilang ani.

Sabi naman ni Agriculture Secretary William Dar kamakailan, ang National Food Authority (NFA) na ang direktang bibili ng palay sa mga magsasaka. Sasadyain na umano ng NFA sa kanayunan para bilhin ang mga aning palay. Ayon kay Dar, bibilhin ng NFA ang palay sa halagang P19 bawat kilo. Nanawagan din si Dar sa provincial governments na sumama sa kanila para bilhin ang palay ng mga magsasaka.

Sana magkatotoo ang sinabi ni Secretary Dar. Direkta nang bilhin ng NFA ang mga palay sa magsasaka para naman makahinga nang maluwag ang mga ito. Ito lamang ang tanging paraan para makabawi sa mga nagastos ang mga kawawang magsasaka. Tulungan sila.

FACE MASK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with