^

Punto Mo

16-anyos na babae sa India, nakakapagsulat nang sabay gamit ang parehong kamay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 16-anyos na babae sa India ang umaasang mapapasama ang kanyang pangalan sa Guinness World Records matapos siyang makapagsulat ng 45 salita sa loob ng 1 minuto habang sabay na gamit ang pareho niyang kamay.

Dati nang kinilala ang kakaibang kakayahan ni Aadi Swaroopa ng isang asosasyon ng mga paaralan sa Uttar Pradesh matapos siyang makapagsulat ng 40 kataga sa loob ng 1 minuto gamit ang kanan at kaliwa niyang kamay ng sabay.

Umaasa ang mga magulang ni Swaroopa na kikilalanin ng Guinness ang kanilang anak bilang world record holder.

Ayon sa kanyang ama, dalawang taon pa lamang daw si Swaroopa ay napansin na niya ang pagiging ambidextrous o ang kakayahang magsulat sa parehong kamay ng kanyang anak.

Naniniwala rin siyang kaya ng anak niya na magsulat ng 60 salita sa loob ng 1 minuto gamit ang parehong kamay sa pamamagitan ng sapat na ensayo.

WRITING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with