^

Punto Mo

Disabled war veteran, binuhat ang 1,113 pounds weights habang nakaupo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA si Martin Tye, isang disabled war veteran mula sa British Army, ng bagong Guinness World Record para sa pinakamabigat na deadlift habang nakaupo.

Nagawang buhatin ni Tye, na naka-wheelchair at para­lisado, ang weights na may bigat na 1,113 pounds, 5 ounces sa Strongest Man event sa North Somerset, England.

Naparalisa ang binti ni Tye matapos banggain ng isang suicide bomber ang kanyang sinasakyan noong siya’y naka-destino sa Afghanistan noong 2009.

Dahil sa pangyayari, kinailangang lagyan ng bakal ang kanyang parehong binti pati na ang kanyang mga balikat. Nagtamo rin siya ng pinsala sa kanyang mga baga at ngayon ay lagi na siyang inaatake ng arthritis. Sumailalim na siya sa 20 operas­yon mula ng insidente.

Ayon ay Tye, gusto niyang ipakita sa lahat na kaya pa rin ng isang taong may kapansanan na katulad niya na gawin ang ginagawa ng mga taong walang kapansanan.

VETERAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with