DALAWANG elepante mula sa Wunnan Province, China ang bumaba sa bundok at humantong sa isang malaking taniman ng tsaa.
Matalas ang pang-amoy ng mga elepante sapagkat nadiskubre nila sa gitna ng taniman ang nakaimbak na cornwine na nasa malaking tapayan.
Hinalukay ng dalawa ang naamoy na alak at ininom lahat.
Hanggang nalasing na ang mga ito at natulog sa taniman ng tsaa.
Gulat na gulat ang may-ari ng taniman nang makita ang mga elepante na nakalugmok at tulog na tulog.
Nang tingnan ng may-ari ang kanyang inimbak na cornwine sa vat, ubos na ubos.
Nahulaan niyang ang mga elepante ang uminom ng kanyang alak.
Mahilig umano sa alak ang mga elepante. Kapag bumababa raw ang mga ito sa bundok, madaling naaamoy at nakikita ng mga ito ang mga bahay na gawaan ng alak, nilulusob ang mga ito.
Kapag daw hindi naubos ang alak sa lugar, minamarkahan ang mga ito at saka binabalikan pagkalipas ng ilang araw.
Ayon sa researchers, ang pag-inom daw ng alak ng mga elepante ay paraan ng mga ito para ma-sanitize ang kanilang trunks.