Mga kilos na nangbibisto ng pagkatao

Sa kanyang pagngiti

Makikita ang sinserong ngiti kung may makikitang kulubot sa paligid ng mata at lips. Kulubot lang sa lips ang nakikita kung pilit ang ngiti.

Sa pakikipagkamay

a. Ang strong and firm handshake ay nagpapahayag na ang isang tao ay sociable at sinasabi niya ang kanyang saloobin kung kinakailangan ng sitwasyon.

b. Kung inabot niya at kinamayan ang dalawang kamay ng kaharap, mayroon siyang pabor na hihingiin or may importante siyang mensaheng sasabihin.

Kapag nambabati

Kung inilalagay niya ang kanyang kamay sa balikat o likod ng taong binati niya, alinman sa dalawa—gusto niya ang pagkatao ng binati niya o mahilig siyang magpaikot ng tao.

Kung hindi binibitawan ang cell phone at paulit-ulit na may tsinetsek na newsfeed, email, etc.

Depressed siya at ginagawa lang outlet ang social media para may mapaglibangan.

Kapag nasa dinner table

Kung hinihiwa niya sa maliliit na piraso ang kanyang pagkain bago isubo, ang gusto niya ang long-term relationship. Gusto rin niyang tumakbo ang kanyang buhay ayon sa kanyang mga plano.

Kung pinaghahalo-halo niya ang lahat ng kanyang pagkain sa pinggan kahit pa iba’t iba ang lasa nito, may strong personality siya. At kahit anong dami ng trabaho o responsibilidad ang ibigay mo sa kanya, tatapusin niya iyon sa itinakdang deadline.

Kapag nagkukuwentuhan ang isang grupo

Kapag inaalala ang isang nakalipas na pangyayaring na kasama siya , totoo ang kanyang ikinukuwento kung ang ginagamit niya ay first person na “ako”.

Kung Kumakain ng Popcorn

Isa-isang  isinusubo ang popcorn, siya ay malihim, mapag-isa, hindi mahilig lumabas ng bahay o dumalo sa party.

Dinadakot ang popcorn at ito ang todong isinusubo, siya ay sociable, palakaibigan.

Ang isang pack ng popcorn, gaano man kalaki ang size, ay singbilis ng kidlat na nauubos, indikasyon na mas uunahin niya ang kapakanan ng ibang tao kaysa sarili.

              

 

Show comments