KAHIT ang matapang at kinatatakutang pinuno ng Communist Party ng Soviet Union na si Nikita Kruschchev ay may sentimyento tungkol sa pulitika:
“Iisa lang ang kulay ng lahat ng pulitiko sa buong mundo. Mangangako sila ng tulay kahit wala namang ilog o dagat na tutulayan. At bakit laging nakakalusot ang mga ganitong klaseng pulitiko? Dahil sa mundo ng pulitika, walang mahigpit na requirement para kumandidato ang isang pulitiko.
Nakakamtan nila ang isang posisyon na gabundok ang responsibilidad, kahit hindi man lang sila dumaan sa pagsasanay, hindi nag-master ng anumang kaalaman, walang eksamen na pinagdaanan, o walang diploma o lisensiya na kailangang ipakita.
Sa kabilang dako, bakit ang isang veterinarian na nanggagamot ng inyong aso at pusa ay hinihingan ng lisensiya bilang pruweba na eksperto siyang makapagligtas ng buhay ng mga hayop. Pero ang pulitiko na mamamahala ng kabuhayan at buhay ng buong sambayanan ay hindi naman hinihingan ng katibayang nabanggit?”
Dito sa Pilipinas, ang nag-aaplay na cashier sa isang business establishment ay hinihingan pa ng at least, tatlong tao na makakapagpatunay na siya ay may magandang karakter at mapagkakatiwalaang maghawak ng pera. Bakit walang ganoong requirement sa pulitiko? Kaya nga sabi ni Kruschchev, huwag nang magtaka kung bakit marami sa mga pulitiko…ang alam lang ay “magkalat” at ‘yung iba, magnakaw.
“It is not in the nature of politics that the best men should be elected. The best men do not want to govern their fellowmen.” – George E. MacDonald
“When I was a boy I was told that anybody could become President; I’m beginning to believe it.” – Clarence Darrow