^

Punto Mo

Kahirapan laban sa kalusugan

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISANG usaping nauungkat kaugnay sa pandemya ng coronavirus ang  kalusugan ng isang  tao. Kung paanong makakaiwas halimbawa sa mga sakit, Kung paanong mapapalakas ang resistensiya ng katawan, o paano manatiling malusog ang katawan. Nariyan din ang mga payo na magpatingin sa doktor kung may nararamdamang masama sa katawan.

Hindi naman nagkukulang ang mga espesyalista sa kalusugan, mga scientist, doktor, at ibang  health experts sa pagpapaalala, pagpapayo at pagbibigay ng mga kaalaman sa mga usaping may kaugnayan sa kalusugan ng tao. Marami nang kumalat na impormasyon hinggil dito tulad ng mga nasa libro at ibang babasahin, at mas umigting pa ito sa paglaganap ng internet at ng social media na mababasahan ng mga artikulo, pag-aaral, pananaliksik o video at mensahe sa mga bagay na may kinalaman sa kalusugan. Meron pa ngang tinatawag na preventive medicine na rito ay magpapatingin ka sa doktor at dadaan sa iba’t ibang klase ng laboratory test at ibang procedure para, kahit wala kang nararamdamang masama, matutukoy na kung merong problema sa iyong katawan at kung may namumuo nang malubhang sakit na maaaring maagapan hangga’t maaga.

Hinggil pa rin sa pagiging malusog, kabilang sa mga ipinapayo halimbawa  ang pagbawas o pag-iwas sa pagkain ng red meat tulad ng karne ng baboy at baka at mga processed food tulad ng hotdog at ham; paghinto sa sigarilyo; katamtaman kundi man pag-iwas sa pag-inom ng alak; pagtalikod sa sobrang matatamis at maaalat na pagkain; pagpapababa ng timbang; aktibong pamumuhay tulad ng regular na pag-eehersisyo; kumpletong oras ng pagtulog; pagkain ng mas maraming gulay at prutas; madalas na pag-inom ng tubig (walong baso bawat araw);  at iba pa. Mga pamamaraang maisasagawa ng sino man, ano man ang estado niya sa buhay, mahirap ka man o mayaman. Lahat ay pantay-pantay na makikinabang dito.

Isa kasing katotohanan sa lipunan natin ngayon  na “napakamahal” magkasakit. Hindi problema sa mga mayayaman o sa mga merong pribadong health insurance kung magkakasakit o maoospital sila. Pero paano ang mga ordinaryong mahihirap na mamamayan na walang perang pampagamot? Libu-libo ang halaga ng mga laboratory test tulad ng x-ray, ct scan, ultrasound, blood test, colonoscopy, dialysis, chemotherapy  at iba pa. Mas lalong magastos ang maospital at maoperahan na maaaring umabot ng mula 50,000 hanggang daan-daang libo o milyon ang bayarin. Kawawa ang mga maliliit ang kinikita o walang kinikita.

Pero maaari namang sundan ang mga itinuturo ng mga dalubhasa at eksperto sa kalusugan para makaiwas hangga’t maaari sa mga sakit tulad ng mga nabanggit sa taas. Isang magandang alternatibong paraan para makaiwas sa magastos na pagpapagamot ang malusog na pamumuhay.  

Email: [email protected]

HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with