ISANG giraffe sa isang zoo sa Australia ang kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamatangkad sa buong mundo.
Ayon sa may-ari ng zoo sa Queensland, Australia na si Bindi Irwin, ang alaga nilang male giraffe na si Fo-rest ang nasa official record ng Guinness bilang pinakamatangkad na giraffe sa buong mundo sa taas nitong 18 talampakan at 8 pulgada.
Lubos na ipinagmamalaki raw nila si Forest, na bukod sa matangkad ay mayroon din daw mabuting puso, ayon sa Facebook post ni Irwin.
Bahagi rin si Forest ng breeding program zoo nina Irwin at sa kasalukuyan ay mayroon nang 12 supling nanggaling sa kanya at mayroon pang hinihintay na isa.