ITONG kumakalat na hashtag sa umano’y pagpapatanggal sa isang senador sa kanyang komiteng pinamumunuan ngayon ay wala raw katotohanan.
Ganito rin mismo ang sinabi ni Senate President Tito Sotto.
Hindi raw galing sa Senado ang “movement” na ito dahil kung meron daw, siya ang unang makaaalam.
Pero wala naman daw. Sabi pa niya, “baka imbento… mabuti pa sila, daming alam.”
Sinong sila? Eh di ‘yung may pasimuno o may gawa-gawa lang nitong isyu na ito.
Sagot ng isa, handa naman daw siyang umalis sa puwesto kung kinakailangan pero hindi dahil sa mga troll farm.
Aba’y hindi na bago at matagal nang nagkalat ang mga trolls.
May trolls na dilawan, may trolls na anti-administrasyon, may trolls na pro-administration, iba’t ibang klase ‘yan.
Eto talaga ang makaka-engkuwentro mo kaka-social media ke mapa-boomer, Gen-X o millennials pa ‘yan.
Libangan kasi ngayon ang pakikisawsaw sa iba’t ibang isyu gamit ang social media.
This is my unsolicited advice: Kung may mga #Oust man na lumalabas ngayon sa social media, walang kinalaman sa posisyon mo ngayon yan.
Posibleng ang may pakana nito ay mga taong nabubuwisit sa’yo. Sa kadahilanang para ka kasing may diarrhea sa bibig, lagi kang may kiyaw-kiyaw.
A lot of people are trying to make themselves relevant by saying a lot of things and sometimes, fabricated. Mema – memasabi lang, mema-pansin lang.
Ayan tuloy, ikaw ang kanilang binubuwisit, iniinis. Kung totoo, eh ‘di palutangin. Kaso, mismong mga kasama mo sa Senado nagsasabing walang ganyang isyu, walang nagpapatalsik sa’yo.
Saan galing ‘yun? Eh di imbento nga!