KUNG ikaw ‘yung taong mahilig mag-lecture kung kani-kanino, talagang masusupalpal ka.
Lalo na kung ang pinasukang isyu ay mga personal na bagay at hindi naman usaping panglipunan.
Either you are just trying to make yourself relevant or you can’t control to express your negative emotion in social media – like jealousy.
Nambash ka, because you are branding yourself as moralist.
Preaching what is right and what is wrong for somebody to listen to your moral standard, ikaw tuloy ang pinulutan ng netizens ngayon.
Marami kasing puwedeng punahin kung saan makakatulong ang opinyon mo sa lipunan.
Pero dahil nakita mo lang ang post at hindi maganda ang naging dating sa’yo, pinuna mo rin sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media.
Sa terminolohiya ng millennials, ang tawag diyan, #InggiteraSpotted at #WalangBasaganNgTrip.
Kung ayaw mo ng post niya, eh di i-unfollow mo.
Mabuti sana kasi kung galing sa nakaw ang pinambili ng tao sa kanyang ipinakita. Alam naman ng buong Pilipinas kung ano ang pinanggalingan nito.
This is an unsolicited advice, sana hindi ka na lang nag-post, sana pinadalhan mo na lang ng private message at saka ka nagpayo.
Ang problema, pinost mo sa publiko.
Mukhang naghahanap ka nga talaga ng gulo o gusto mong mapansin, ayan, na-bash ka tuloy.