DALAWANG volume ng Chinese encyclopedia ang naipagbenta ng $9 million (katumbas ng P450 milyon) sa isang auction sa Paris, kamakailan.
Ayon sa Paris auction house na Beussant Lefevre, hindi nila inaasahan na aabot sa $9 million ang magiging bid sa encyclopedia.
Sinimulang isulat ng mga Chinese scholars ang encyclopedia noong 1404 at natapos ito pagkalipas ng apat na taon. Ayon sa auction house, tungkol sa mga lawa at mga tradisyon sa lamay ang mga topic na mababasa sa dalawang volumes ng encyclopedia.
Nasa 400 volumes na lamang ng encyclopedia ang natitira ngayon, na pinaniniwalaang nasa 4% lamang ng orihinal nitong bilang.