NAKAUGALIAN na ni Vladimir Rasimov na pagkagaling sa trabaho ay daraan siya sa isang bar at iinom ng alak.
Nang gabing iyon, napasobra ang inom niya. Pasuray-suray na siya paglalakad.
Para madaling makauwi, nag-short cut siya sa may riles ng tren.
Pero dahil sa kalasingan, natumba siya sa riles at hindi na nakabangon.
Doon na siya natulog.
Paparating ang isang tren at nagkagulo ang mga taong nasa paligid nang makitang may nakahandusay na lalaki sa riles.
Sinikap nilang hilahin si Rasimov mula sa riles ngunit nabigo sila sapagkat ilang metro na lang ang layo ng tren.
Nakita rin ng driver ng tren ang nakahambalang na katawan ngunit bigo rin siyang maihinto ang tren sapagkat huli na ang lahat para magpreno.
Nasagasaan ang katawan ni Rasimov.
Naihinto rin ang tren sa di-kalayuan at agad na bumaba ang driver upang tingnan ang nangyari sa lalaki.
Nagulat ng lahat sapagkat buhay na buhay at hindi man lamang nagalusan si Rasimov.
Suwerteng lumusot siya sa ilalim ng tren nang siya’y daanan nito.
Sabi naman ng driver ng tren, “Suwerte rin na sobrang mahim-bing ang kanyang tulog, dahil kung nagkataon na narinig niya ang busina ng tren, baka kumilos siya at tiyak na nahagip ang kanyang ulo.”