^

Punto Mo

Safety measures istriktong ipatupad sa pagbabalik lansangan ng mga pampublikong sasakyan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Makakapasada na simula sa araw na ito ang mga  UV Express at susunod na ang mga traditional na jeepney.

Ibig bang sabihin nito,  wala nang balakid sa kanilang pagbabalik  sa lansangan at matitigil na rin ang kanilang pag-aalburoto?

Pero kung talagang magtutuluy-tuloy na at wala nang magkakasalungat na pahayag o balakid sa kanilang muling pagbiyahe, dapat lamang na matiyak ng mga kinauukulan partikular ang LTFRB na masusunod ng mga magbabalik-pasada na ito ang mga safety measures para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Kung ilang porsiyento lamang ang pinapayagang isakay,  yon ang dapat na isakay at sundin para sa social distancing.Hindi komo pinapasada nais agad ang malaking kita  at hindi na alintana ang   magiging kaligtasan at proteksyon ng kanilang mga sakay.

Nasa 30 ruta ang inaasahan ng LTFRB.

Nagdesisyon na rin ang LTFRB na pumasada ang traditional jeep at UV Express dahil hindi kaya ng mga  bus at modern public utility vehicles na maserbisyuhan ang malaking populasyon ng mga commuters laluna sa Metro Manila.

Sana naman sa muling pagdami ng mga pampublikong sasakyan sa mga lansangan, ‘wag nawa itong masabayan sa pagdami pa ng kaso ng COVID.

Sana maging maingat at ‘wag maging kumpiyansa ang lahat, para ang sakit na ito ay huwag nang lumaganap, dahil sa huli kung ito ang mangyayari babalik na naman tayo sa mas istriktong quarantine at malamang muling matigil na naman ang mga paghahanapbuhay.

 

SAFETY MEASURES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with