^

Punto Mo

Batang lalaki sa Kenya, nakaimbento ng makina para sa paghuhugas ng kamay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 9-anyos sa batang lalaki sa Kenya ang gina­waran ng award ng pangulo roon para sa dinisenyo niyang makina na panghugas ng kamay.

Ginawa raw ito ng 9-anyos na si Stephen Wakumota upang makatulong sa paglaban sa COVID-19.

Ayon kay Kenyan President Uhuru Kenyatta, napili nila si Wakumota dahil touch-free ang ginawa niyang hand washing machine.

Gumagana kasi ang imbensyon ni Wakumota sa pamamagitan ng pedal. Kailangan lang itong tapakan ng gumagamit upang lumabas ang tubig at sabon mula sa makina.

Naisip daw ni Wakumota ang ganitong disenyo dahil napansin niyang nagdadalawang-isip ang mga taong maghugas ng kamay kung hahawakan nila ang gripo o dispenser na hinawakan na rin ng ibang tao.

Ayon kay Wakumota, nagkakahalaga lang ng $30 (katumbas­ ng P1,500) ang nagastos niya sa mga mater­yales sa pagbuo ng kanyang imbensyon. Tinulungan umano siya ng kanyang ama.

KENYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with