^

Punto Mo

Kalbaryo ng mga nagbabalik-trabaho na manggagawa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Magsisimula na ngayon ang ipapatupad na dagdag ruta ng mga bus sa Metro Manila.

Tugon ito para matulungan ang mga commuters partikular ang mga nagbabalik-trabahong manggagawa sa kanilang pag­lalakbay patungo sa kanilang mga trabaho.

Ilang araw na nasumpungan ang kahabag-habag na kalagayan ng mga manggagawa dahil sa kakulangan ng masasakyan, kung meron man ay kulang.

Iba’t ibang alternatibong paraan ang ginawa ng mga manggagawa makabalik lang sa kanilang hanapbuhay.

Nandiyan ang madaling araw pa lamang eh magsimula nang maglakad ng ilang oras, nandiyan ang magbisikleta kahit pa ilang kilometro ang gagawing pagpidal kung saan nakikipagsabayan pa sa mga mabibilis na sasakyan. Nandiyan din ang maglakas loob na makipara at makisakay at nandiyan din ang umasa at magtiyagang maghintay sa mga ipinangakong libreng sakay.

Wala silang choice kahit pa nga makisiksik sa mga trak kahit pa nga hindi naoobserba ang social distancing protocol.

Iisa lang ang ipinakikita nito, kailangan na nilang magbalik-trabaho, malagay pa man sa alanganin ang kanilang buhay at kalusugan.

Ito sana ang napaghandaan nang husto ng mga kinauukulan sa inasahan na nilang unti-unting pagbabalik sa normal.

Ang nangyari kasi mukhang hindi normal kundi abnormal.

Bagamat humingi na nang paumanhin ang DOTR at DILG sa pagka-stranded ng maraming nagbabalik-trabaho na manggagawa, sana ay tuluyan nang magawan ito ng paraan, para naman hindi na madagdagan pa ang dinadanas na kalbaryo ng marami nating kababayan.

MANGGAGAWA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with