^

Punto Mo

Pakikipagkompromiso, hindi laging nangangahulugan ng pag-amin sa kasalanan

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakasagasa po ako at balak daw po akong sampahan ng kasong reckless imprudence ng aking nasagasaan. Iniisip ko po na makipag-areglo na lang ngunit nangangamba ako na baka gamitin itong ebidensiya ng pag-amin ko sa mga maaaring iakusa sa akin. Maipapayo mo po ba na ako ay makipag-kompromiso? -- Lanie

Dear Lanie,

Bagama’t ang pag-alok ng kompromiso sa mga criminal case ay maaaring gamiting ebidensiya ng pag-amin sa kasalanan ng akusado base sa ating Rules of Evidence, hindi naman saklaw ng probisyong ito ang mga kriminal na kasong may kinalaman sa negligence o kapabayaan katulad ng reckless imprudence.

Hindi rin maaaring gamitin na ebidensiya ang alok ng pakikipag-areglo kung wala pa namang kasong kriminal na nakasampa katulad ng sa sitwasyon mo. Dahil wala namang nakabinbing kaso laban sa akusado noong siya ay nag-alok ng areglo, hindi masasabi na isang paraan ng pag-amin sa kasalanan ang pag-aalok niya nito.

Base sa mga nabanggit, maaari mong subukang makipag-areglo sa nasagasaan mo hangga’t wala pang nakasampang kaso laban sa iyo.

Maipapayo ko na lang na mas mabuti kung kumuha ka ng tagapamagitan na siyang makikipag-usap sa partido ng nasagasaan para sa iyo. Mas maganda kung ang tagapamagitan na ito ay magiging maingat sa pagsasalita upang maipaliwanag niya na nakikipag-areglo ka lamang dahil gusto mong makaiwas sa gulo na dala ng demandahan at hindi  dahil sa umaamin ka sa pagkakasala mo o sa kung ano pa man.

KASALANAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with