^

Punto Mo

EDITORYAL - Imbestigahan mga umaabusong pulis sa checkpoints

Pang-masa
EDITORYAL - Imbestigahan mga umaabusong pulis sa checkpoints

NOONG kasasailalim pa lamang sa enhanced com­munity quarantine (ECQ) ang Luzon, may mga nagrereklamo sa pang-aabusong ginagawa ng mga pulis at barangay tanod habang nasa checkpoint. Karamihan sa mga nagrereklamo ay mga motorcycle­ driver na masyadong pinapahiya ng mga nagmamandong pulis lalo na ang mga nakalimot dalhin ang quarantine pass. Para raw martial law kung ma­kaasta ang mga pulis at walang pigil sa pagmumura sa riders na para bang nakagawa nang malaking kasa­lanan. Hindi naman daw sana ganun kahigpit.

Mayroon namang babaing nagmomotorsiklo na nag­reklamo rin dahil kung anu-ano raw kabastusan na may kaugnayan sa sex ang mga sinabi ng pulis na nasa checkpoint. Akala raw siguro ng pulis ay “mumurahin” siyang babae dahil naka-shorts siya nang parahin sa checkpoint. Mayroon naman daw siyang quarantine pass. Hindi na lamang daw pinansin ng babae ang mga bastos na pananalita ng pulis.

Pero may mas malala o mas matindi pa palang nangyayari habang nasa checkpoints. May mga babae pala na para makalampas sa quarantine checkpoint ay nagiging biktima ng “sex-for-pass’’ scheme. Pinala­lampas ang mga babaing walang quarantine pass pero ang kapalit ay pakikipag-sex sa nakabantay na pulis.

Pitong babae ang nagsabi sa pamamagitan ng social media na nakaranas sila ng mapait na karanasan sa ilang pulis para makalampas lamang sa checkpoint. Bukod sa sexual favor, may mga nagsabi rin na nakaranas sila ng physical abuse sa quarantine checkpoints.

Nakarating sa Malacañang ang reklamong ito at ang sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maghain ng reklamo ang mga babaing nakaranas ng “sex-for-pass”. Kung takot daw ang mga babae na magreklamo, personal daw na pumunta sa kanyang opisina ang mga ito at tutulungan niya o kaya’y magreklamo sa women’s desk. Lahat daw ng police stations ay may women’s desk.

Sabi naman ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa, wala naman silang natatanggap na reklamo mula sa mga babaing biktima ng “sex-for-pass’’. Sabi ni Gamboa ang mga pulis na mapapatunayan sa ganitong gawain ay masisibak sa puwesto at mabibilanggo ng 20 hanggang 40 taon.

Dapat lumantad ang mga babae para maimbes­tigahan ang mga pulis na sangkot at maparusahan. Kung magtatago at magsasawalang-kibo, magpapa­tuloy ang mga hayok sa laman sa pambibiktima.

CHECKPOINTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with