^

Punto Mo

Lalaki sa Mexico, inutusan ang kanyang alagang aso na bumili ng sitsirya

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Hindi makalabas ng bahay dahil sa lockdown

MAHIGPIT na ipinatutupad sa Mexico ang quarantine para maiwasan ang pagkalat ng virus. Bawal lumabas ng bahay ang mga tao kung hindi mahalaga ang pupuntahan. Mahigpit ang mga pulis doon at hinuhuli ang mga pasaway na pakalat-kalat sa kalye.

Bawal ang pagtitipun-tipon at maging ang pagbisita sa mga kamag-anak o kaibigan ay hindi pinapayagan. Kaya marami ang inip na inip na sa bahay. Ganunman marami rin naman ang ayaw lumabas sapagkat natatakot na mahawahan ng virus.

Isang lalaki ang nakaisip ng paraan para maibsan ang kanyang pagkagusto (craving) sa paboritong sitsirya na “Cheetos’’. Matagal na siyang hindi nakakakain ng sitsirya at sabik na sabik na siya.

Hanggang isang ideya ang naisip ni Antonio Munoz para makatikim ng Cheetos – uutusan niya ang kanyang alagang aso (chihuahua) na bumili nito sa tindahan. Sa tapat ng kanilang bahay ay may convenience store.

Gumawa siya ng isang sulat na nakasaad: “HELLO SA MAY-ARI NG TINDAHAN. PAKIUSAP NA PAGBILHAN ANG AKING ASO NG CHEETOS NA KULAY ORANGE ANG LALAGYAN. HUWAG RED SAPAGKAT MAANGHANG IYON. KASAMA NG SULAT NA ITO ANG $20 NA NASA KANYANG KOLYAR. PAALALA LAMANG NA ITRATONG MABUTI ANG AKING ASO SAPAGKAT ITO AY NANGA­NGAGAT. – ANG IYONG KAPITBAHAY

Sinunod ng may-ari ng tindahan ang nakasaad sa sulat. Pinagbilhan niya ang chihuahua.

Mabilis na umuwi ang chihuahua dala ang Cheetos ni Munoz.

Labis ang pasasalamat ni Munoz sa alaga sapagkat nasunod ang kanyang craving sa sitsirya. Nakakain siya nito na hindi nalantad sa virus.

ASO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with