^

Punto Mo

Pangungulit ukol sa utang, nararapat ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May pinagkakautangan po ako na sunud-sunod ang pagpapadala sa akin ng mga mensahe sa Facebook at text na nagsasabing magbayad na raw ako ng utang ko. Walang tigil din po ang pagtawag niya sa cell phone at nagbabanta pa siya na ipapakulong niya raw ako sakaling hindi po ako makabayad sa katapusan ng buwan. Lahat po ng ito ay sa kabila ng pagpapaliwanag ko sa kanya na wala akong maibaba­yad sa ngayon dahil kasalukuyan ay wala akong sinasahod dahil sa lockdown. Tama po ba ang harrasment na ginagawa niya at makukulong po ba talaga ako kung sakaling hindi ako makapagbayad sa ngayon ng utang ko? – Gerry

Dear Gerry,

Bagamat may obligasyon kang bayaran ang inutang mo at wala namang masama sa paniningil ng isang utang, kung sa tingin mo ay harrasment na ang ginagawa sa iyo ay maari mong ireklamo ng kasong unjust vexation ang nangungulit sa iyo. I-save mo ang screenshots ng texts at Facebook messages ng naniningil sa iyo. Tandaan mo rin ang petsa ng mga tawag niya sa iyo at kung ano ang mga sinabi niya upang maging pruweba na panggugulo na ang ginagawa sa iyo.

Kung hindi ka naman nanloko at kung hindi ka naman nag-isyu ng tseke sa naging transaksyon n’yo ay malabong makulong ka dahil sa utang mo. Walang maaring makulong dahil sa utang, bukod na lang kung may ginawang panloloko o nag-isyu ng tumalbog na tseke ang umutang.

Hindi naman ibig sabihin ng lahat ng ito ay hindi ka na maaring pananagutin sa korte ng inutangan mo. Maari ka pa rin niyang sampahan ng kasong sibil upang mabawi ang halagang hiniram mo.

 

NARARAPAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with