Lalaki sa Colorado, 2 beses nanalo ng $1-m lottery jackpot sa loob ng 1 araw
NAGBUNGA ng hindi lang isang beses ang tiyaga ng isang lalaki matapos tumama ang mga numerong kanyang inaalagaan ng 30 taon.
Dalawang beses tinamaan ang mga numero ng lalaking kinilala lamang sa pangalang “Joe B.” ang $1-milyon (katumbas ng humigit-kumulang P50 milyon) na jackpot ng Powerball Lottery sa Colorado, USA.
Ayon sa mga opisyal na nangangasiwa sa lottery sa Colorado, sa dalawang magkaibang lugar pa raw binili ni Joe B. ang mga winning ticket. Ang isa ay tinayaan niya ng umaga noong Marso 25 at ang isa ay noong kinagabihan.
Bagamat higit 1 buwan na mula nang tamaan niya ang jackpot ng dalawang beses ay nito lamang raw nakaraang Biyernes kinubra ni Joe B. ang kanyang mga napanalunan, dagdag pa ng lottery officials.
- Latest