^

Punto Mo

EDITORYAL - Bilisan, pagbibigay ng ayuda sa mamamayan

Pang-masa
EDITORYAL - Bilisan, pagbibigay ng ayuda sa mamamayan

MAY mga residente pa na hindi nakatatanggap ng ayuda sa kabila na nakadalawang extension na Enhanced Community Quarantine (ECQ). Ngayon sana magtatapos ang ikalawang extension subalit pinalawig pa ni President Duterte hanggang Mayo 15 base na rin sa payo ng government task force on COVID-19.

May mga nanggipuspos na nakadalawang extension na ay wala pa silang natatanggap na Social Amelioration­ Program (SAP). May nag-iinterbyu raw sa kanila mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) pero wala raw dumarating sa kanilang ayuda.

Nang magsalita si President Duterte noong Huwebes, kasabay nang pagpapalawig niya ng ECQ, ipinag-utos niyang ibigay ang ayuda bago ang Abril 30 (ngayon).

Sa unang bugso ng SAP program, ipinaubaya ng Presidente sa DSWD ang pamamahagi ng SAP. Nagbanta naman ang Presidente na sisibakin niya ang magbubulsa ng pondo. Huwag daw itong gagawin sapagkat hindi siya mangingimi. Unang nagpalabas ng P200-bilyon ang pamahalaan. Sinabi ng Presidente na ang DSWD ang pinili niyang mamahagi ng cash sa mga mahihirap para maiwasan ang korapsiyon. Ayon pa sa Presidente gagawa siya ng paraan para makalikom pa ng pondo at nang mabigyan ang lahat nang nangangailangan.

Nakasaad sa Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act na ang subsidy o SAP ay para sa mga low-income families na naapektuhan dahil sa imposisyon ng community quarantine. Hindi kasama ang mga government official at kanilang pamilya, emple­yado sa pribadong sector, retiradong indibidwal at ang may mga kakayahang pinansiyal.

Sa Quezon City, nagbigay ng karagdagang P2,000 na ayuda si Mayor Joy Belmonte. Lahat nang senior­ citizens (mayaman o mahirap), PWD, buntis, solo parent, TODA/JODA/ taxi drayber ay makatatanggap. Namahagi rin ang QC government ng food packs sa mga residente. Ganito rin sana ang gawin ng ibang mayor para matulungan ang mamamayan na tinamaan ng COVID-19.

Nanawagan naman ang DSWD sa mga hindi pa nakatatanggap ng SAP na idulog ito sa kanila. Lilikha umano sila ng grievance redress system para malaman kung may iregularidad sa distribusyon ng SAP.

Sana, gawin ito ng DSWD. Kawawa ang hindi pa naaayudahan.

AYUDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with