^

Punto Mo

Seryoso ang aming serbisyo sa publiko

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NANGGALING kami sa Cebu para trabahuhin ang tungkol sa isang pastor at principal ng school na nanipa ng 11-anyos na bata.

Salamat sa Diyos, sa kabila ng banta ng COVID-19, nagampanan namin ang mga tungkulin ng ligtas at walang anumang aberya.

Itong si Pastor na principal pa ay personal kong binisita para makuha ang kanyang panig, pero tinaguan kami. Sinayang niya ang pagkakataong sagutin, pasinungalingan at bigyang linaw ang sumbong.

Ang nakakatawa rito, buong araw kaming naghanap sa Consolacion, Cebu para makarating sa kanyang tahanan. Kulang na lang ay pati bakang makasalubong namin, tanungin, kung kilala ba niya ang aming hinahanap.

Kung hindi pa sa isang lokal na nakasalubong namin sa isang dead end, hindi namin mararating ang tuktok ng bundok na tinitirahan ng aming pakay. Andun si Pastor, hindi lumabas ng kanyang bahay.

Napahiya na raw siya sa kanyang mga kapitbahay kaya sa korte na lang siya magpapaliwanag.

Binigay namin ang kanyang hiling, nagsampa ng kasong child abuse ang ina ng batang sinipa. Bukod sa kasong criminal, isinampa na rin ang kasong administratibo sa DepEd sa tulong ng aming resident lawyer.

Ipinaabot na rin ng BITAG sa mother church ng simbahang pinaglilingkuran ng pastor ang kanyang ginawa.

Pagkatapos ng COVID-19 crisis na ito, muli kaming mag-a-update ukol sa pastor.

Hindi kami nagbibiro. Seryoso at sinsero ang aming serbisyo publiko.

Not for entertainment, kaya maraming kumukuwestiyon ng BITAG style. Well, not my problem!

Tuluy-tuloy pa rin ang public service ng BITAG sa pamamagitan lamang ng mga Facebook pages – BITAG Live, BITAG Multimedia Network, BITAG New Generation at Pambansang Sumbungan.

PUBLIKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with