^

Punto Mo

EDITORYAL - Paghahain ng protesta vs China, ipursigi

Pang-masa
EDITORYAL - Paghahain ng protesta vs China, ipursigi

NAGPAKITA na naman ng pambu-bully ang mga tauhan ng Chinese warship sa nagpapatrulyang Philippine Navy sa teritoryong pag-aari ng Pilipinas. Nangyari ang insidente noong nakaraang Pebrero sa Commodore Reef sa Spratlys pero ngayon lamang napabalita.

Ayon sa report, tinutukan ng radar gun ng Chinese ship ang barko ng Philippine Navy. Nagpapatrulya ang PN sa Commodore Reef nang makita nila ang Chinese ship at itinaboy sila ng mga ito sabay tutok sa kanila ng radar gun. Ayon pa sa report, sinabihan sila ng mga nasa barko na pag-aari nila ang lugar kaya inutusan silang umalis. Inaangkin ng China ang Spratlys at bahagi raw iyon ng Hainan Province. Walang nagawa ang PN kundi umalis.

Noong Miyerkules, naghain ng dalawang diplomatic protests ang Pilipinas sa ginawa ng China. Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang ginawa ng China ay tahasang paglabag sa International Law at sa soberenya ng Pilipinas. Ayon sa isang opisyal ng bansa, ang ginawa ng China ay lubhang nakagagalit at tahasang paghahamon.

Marami nang ginawang pananakot at paninira ang China sa bansa. Ilang beses nang binantaan ang mga Pilipinong lumalapit sa pinag-aagawang teritoryo. Bagamat nagpasya na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong 2016 na pag-aari ng Pilipinas ang inaangkin ng China, at nagpalabas na ito ng kautusan, hindi ito pinakikinggan ng China at pinaggigiitang sa kanila ang teritoryo.

Noong nakaraang Hunyo 2019, binangga ng Chinese ship ang bangkang pangisda ng mga Pilipino na muntik nang ikamatay ng 22 mangingisda. Makaraang banggain, iniwan ang mga Pinoy na lulutang-lutang sa dagat. Muntik na silang mamatay kung hindi nasaklolohan ng mga mangingisdang Vietnamese. Naganap ang pagbangga sa bisinidad ng Recto Bank sa West Philippine Sea. Ayon sa mga mangingisda, nakaangkla sila nang banggain ng Chinese fishing vessel.

Marami nang ginagawang paglabag ang China sa teritoryong sakop ng Pilipinas at wala namang nangyayari sa mga inihahaing protesta. Hindi naman umuusad ang mga reklamo sa China kaya patuloy ang ginagawang pambu-bully at pangha-harassed.

Sinasamantala ng China ang sitwasyon na dumaranas ang bansa ng pandemic crisis. Akala marahil ay hindi magre-react sa ginagawa nilang pangha-harassed. Kailangang ipursigi ng Pilipinas ang paghahain ng protesta. Hindi dapat balewalain ang ginagawa ng China. Tutukan ang isyung ito para malaman ng buong mundo.

PROTESTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with