^

Punto Mo

Supporters ni Kap, umapela sa BITAG (2)

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI lahat ng pinuno ng barangay, abusado. Kung tutuusin marami pa rin ang mahusay at makatao.

May mangilan-ngilan lamang na kapag nadale ng pride at init ng ulo, sumasablay na. Hindi na nag-iisip, umiiral ang emosyon at nagiging marahas sa kanilang mga aksiyon.

Ganito ang nakita ng BITAG na nangyari sa isang kapitan sa Pangasinan na isinumbong sa amin. Dahil sa Facebook post tungkol sa P10 quarantine pass, nabulabog ang kanilang barangay.

Sa kahilingan ng kanyang supporters at kamag-anak, pinakinggan namin ang buong pangyayari mula kay Kap mismo.

Sabi niya, pinatawag daw niya ang residente na nagpost sa FB na siya raw ay kurakot. Hindi raw pumunta ang tao’t sinabing siya ang pumunta sa bahay nito dahil si Kap ang may kailangan.

Tanong ko, may summon ba siyang ipinadala para ipatawag ang tao? Wala raw, nagpa­punta lamang siya ng tanod. Sa puntong ito, may karapatang tumanggi ang ipinapatawag lalo’t walang summon.

Tanong ko ulit kay Kap, nakita mo ba na siya ang nag-post sa FB na nagsasabing ikaw ay korap? Sagot ni Kap, may nakapagsabi lamang daw sa kanya.

May kopya mismo ang BITAG ng orihinal na post, pagtatanong lamang kung bakit may bayad ang quarantine pass. Ang salitang “korap” ay nagmula lamang mula sa isa sa mga nag­komento, hindi sa nag-post mismo.

Dahil tinanggihan siya ng inimbitahan, siya ang pumunta sa tahanan nito. Dahilan ni Kap, eh siya nagsabi na puntahan ko siya sa bahay kaya pinuntahan ko.

Mas maraming tinamong sugat at pasa si Kap habang ang nagrereklamo ay nadaplisan lamang sa mukha. Sa loob mismo ng bakuran ng residente nangyari ang kaguluhan.

Ang matinding diskusyon, sino ang naunang sumuntok? Itinuro ng magkabilang panig ang isa’t isa.

Turo ni Kap ‘yung isa, kaya nga raw bugbog sarado siya. Habang ang mga tanod niya nakatanghod lang?  Sabi naman ng kalaban, si Kap ang naunang sumuntok, dumepensa lang siya dahil ayaw magpaawat ni Kap kahit umaawat na ang mga kamag-anak.

Marami pang nakitang butas ang BITAG sa istorya ng dalawang panig. Pareho silang tinamaan, at maging sa hukuman pag-uusapan ang mga detalyeng hinimay namin.

Panoorin sa ang buong detalye sa BITAG Official YouTube Channel.

BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with