^

Punto Mo

PNP handang ipatupad ang ‘martial law’ ni Digong!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HANDA na ang kapulisan para ipatupad ang kautusan ni President Digong para supilin ang matitigas na ulo na mga Pinoy na patuloy na nagsusugal ng sabong at nag-iinuman sa kalye na maliwanag na paglabag sa social distancing na pinaiiral ng gobyerno sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy for Operations ng Philippine National Police na ikumpas lang ni Digong ang kamay na bakal niya at handa sila ipatupad nito dahil kasama ito sa contingency plans nila sa lahat ng quarantine levels.

Si Eleazar, mga kosa ang hepe ng Inter-Agency Task Force COVID Shield kung saan kabilang sa mga miyembro ay ang military, Anti-Cyber Crime Group at Bureau of Fire Prevention, na  nagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong bansa mula nang i-implement ni Digong ang lockdown sa Luzon noong Marso 17. Nagbabanta kasi si Digong sa kanyang mensahe sa mga Pinoy noong Huwebes na inutusan niya ang militar at PNP na maging ready sa paghabol sa mga Pinoy na patuloy na nagsusugal tulad ng sabong, at nag-iinuman sa kalye na hindi ginagawa ang social distancing.

Ang masama pa n’yan, nahihilo na si Digong sa paghanap ng pera para ipamudmod sa mga apektado ng COVID, aba gagamitin lang pala nila ang ayuda sa sabong at inuman. Mayroon pang ginamit ito sa pagbili ng shabu. Araguuyyy! May puntong magalit si Digong, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kapag iniutos ni Digong na makialam ang pulis at military sa kalye, aba magmukhang martial law na ang Pinas, di ba mga kosa? At tiyak mag-iingay na naman ang karamihan sa ating kababayan.

Sinabi ni Eleazar na naintindihan niya ang hinanakit ni Digong dahil sa sari-saring paraan ng nga matitigas na ulo na mga Pinoy para paikutan itong home quarantine at physical distancing rules. Iginiit pa ni Eleazar na ang Task Force COVID ay may nakaambang contingency plans sa lahat na senaryo na maaring mangyari sa kasagsagan ng COVID at ipatutupad nila ito kahit saang bahagi ng bansa kapag ipinag-utos si Digong. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya h’wag kayong magtaka mga kosa kapag sandamakmak na pulis at military ang makikita n’yo sa kalye kapag patuloy kayong lumalabag sa alituntunin ng ECQ. Araguuyyy! Hak hak hak! Dapat siguruhin din ni Digong na may pagkain ang mga mahihirap na Pinoy dahil magkakagulo talaga ang mga ito kapag gutom na sila, di ba mga kosa?

Kungsabagay, umabot na sa 120,000 curfew at ECQ violators ang naaresto ng Task Foce COvid, at hindi mabilang na mga driver ng public utility vehicles na lumabag sa transport ban. Hindi lang ‘yan! Pinakalat na rin ang PNP at force multipliers sa labas at loob ng mga palengke para ipatupad ang social distancing. Nag-deploy na rin si Brig. Gen. Eliseo Cruz, hepe ng Highway Patrol Group (HPG) ng mga tauhan sa EDSA at iba pang major thoroughfares para hulihin ang mga private vehicles na walang kaukulang quarantine pass. Kaya mga kosa, stay at home na muna tayo para di bumagsak sa kulungan at maiwasan ang martial law ni Digong. Abangan!

DIGONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with