Jennifer Lopez
Ininsulto niya ang flight sterwardess na “cheap” daw ang sapatos nito matapos na hindi siya napagbigyan na ipagtimpla ng espresso (strong black brewed coffee). Minsan may isang staff sa hotel na tinuluyan niya ang nanghingi ng autograph. Sa halip na pagbigyan, inireport niya ang staff at sa kasamaang palad ay natanggal sa trabaho.
Jared Leto
Miyembro ng bandang 30 Seconds to Mars. Mahilig siyang mag-crowd surfing kapag nagko-concert. Ito yung magda-dive siya sa ibabaw ng mga tao, nakahiga siya o nakatihaya na pagpapasa-pasahan hanggang sa ibalik siyang muli sa stage. Madalas kaysa hindi, nahihipuan siya ng mga babae o baklang fans. Pinukpok niya ng microphone ang ulo ng mga fans kahit di niya sigurado kung sino ang nanghipo sa kanyang “bird”. Bahala na kung sino ang tamaan. Biruin mo, nagbayad ka sa concert para lang mapukpok ng microphone sa ulo. Ang suhestiyon ng media, itigil ang kanyang pagka-crowd surfing para hindi malamas ang kanyang armas. Kaso, ganoon pa rin, crowd surfing pa rin tuwing may concert, tapos, automatic na iyon, mampupukpok siya ng ulo gamit ang microphone.
Gwyneth Paltrow
Never siyang magbigay ng autograph sa mga fans na lumalapit sa kanya. Basta iniisnab niya, ganun lang.
Leonardo Di Caprio
Basta pa-picture or autograph, hindi ‘yun welcome sa kanya. Sinasabihan niya ang fans na ayaw niya.
Ariana Grande
Ibinalita ng New York Daily News na napaka-sweet habang naka-smile habang kaharap ang mga fans pero pagtalikod, bumulong ito ng “they should all fucking die”. Kaso may nakarinig. Bakit kaya wini-wish niyang mamatay ang lahat ng fans niya. Ayon sa mga kuwento, may ikinaasar ito sa isang fan pero ang wish niya ay mamatay ang lahat ng fans niya.
Justin Bieber
Tinawag niya ang isang matabang fan ng “beached whale”.
Tobey Maguire
Ang 2007 Spider Man na ito ay tumatangging magpa-picture at magbigay ng autograph kahit sa mga batang fans niya. Minsan ay nakita niyang kunukunan siya ng isa fan, inagaw niya ang camera or mobile at ito ang isinampal sa mukha ng fan.