Common sense

MAY dalawang Buddhist monks na naglalakbay. Tatawid na sana sila sa ilog nang isang matandang babae na tatawid din sa ilog ang nakiusap.

“Puwede bang tulungan ninyo ako na makatawid sa kabilang­ pampang? Kumikirot ang aking mga paa. Hindi ko kayang luma­ngoy­.”

Binaba (piggyback) ng monk ang matandang babae upang maka­tawid sa ilog.

Pagkatapos makatawid, ibinaba ng monk sa tuyong lugar ang matan­dang babae. Buong katuwaan na nagpasalamat ang matanda.

Nagpatuloy ang dalawang monk sa paglalakbay. Nagsalita ang monk na hindi tumulong sa matanda. May galit sa tinig nito.

“Bawal sa atin ang humawak sa babae. Bakit ka pumayag na itawid ang matandang babae? Paano mo nasikmurang sumuway sa ating pata­karan?”

“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay susunod ka sa patakaran. Ka­ila­ngan din gamitin ang common sense. Sumunod nga ako sa pata­karan pero nalunod naman ‘yung matanda. Alin kaya sa dalawa ang mas mabigat dalhin sa konsensiya: humawak ako sa babae o pinabayaan kong malunod ang babae sa ilog?” Paliwanag ng matulunging monk.

Any kind of action done with an immaculate heart can never be sinful. ---Author Unknown

Show comments