NAG-VIRAL ang isang video sa social media kamakailan na nagpapakita sa paggawa ng isang teenager ng tinatawag niyang “social distancing circle”.
Ang “social distancing circle” ay isang kasuotang ginawa mula sa mga tubo at tarpaulin ng teenager na kinilala lamang sa username na Impatman.
Pabilog ito at may diameter na 12 talampakan kaya hindi makakalapit ng bababa sa anim na talampakan ang sinumang makakasalamuha ng taong magsusuot nito, na nakapuwesto sa gitna ng bilog.
Kasama ang kanyang ama, dinala ni Impatman ang kanyang “social distancing circle” sa Lafraniere Park, kung saan marami ang nagtataka at nagtatanong kung isang uri ba ng saranggola o trampoline ang kanyang suot.