^

Punto Mo

Pinakamatandang lalaki sa mundo, mag-isang ipinagdiwang ang kaarawan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAHIL, hindi malilimutan ni Bob Weighton ang kanyang ika-112 na kaarawan.

Ipinagdiwang ng taga-Hampshire, England na si Weighton ang kanyang birthday noong nakaraang Linggo ngunit sa halip na mag-party kasama ang kanyang mga pamilya at kaibigan, mag-isa niya itong ginunita dahil sa coronavirus pandemic.

Nagawa pa rin naman siyang kantahan ng “Happy Birthday” ng mga staff ng assisted living facility kung saan siya nakatira. Nakatayo nga lang ang mga ito sa labas habang si Weighton ay nakikinig sa kanyang balkonahe.

Nakatanggap din si Weighton ng kakaibang regalo na isang plaque mula sa Guinnes World Records na kumikilala sa kanya bilang pinakamatandang lalaki sa mundo matapos mamayapa ang dating world record holder na si Chitetsu Watanabe noong nakaraang Pebrero 23.

Bagama’t napagdaanan ni Weighton ang 1918-1920 Spanish Flu pandemic at dalawang digmaang pandaigdig ay iba pa rin daw ang nararanasang sitwasyon ngayon na dulot ng COVID-19.

KAARAWAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with