Chopper crash sa Laguna, pilot’s error?

HUMAN error ang anggulong tinututukan ng Special Inves­tigation Task Group (SITG) Bell 429 sa kanilang imbestigasyon sa pagbagsak ng helicopter lulan si Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa at iba pang PNP officials sa San Pedro, Laguna noong Marso 5. Sa ngayon, hinihintay na lang ng SITG na pinangungunahan ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP Deputy Chief for Operations (DCO) ang resulta ng Data Collection Unit (DCU) examination ng Bell Company, ang gumawa ng Bell helicopter, bago i-finalize ang kanilang report.

Halos lahat ng sakay ng helicopter, maliban kina Gamboa at mga classmates niya sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘86 na sina Maj. Gen. Mariel Magaway at Jovic Ramos. Sina Magaway, ang hepe ng Directorate for Intelligence at Ramos, ng Directorate for Comptrollership, ay naka-confine pa sa ospital at ipanalangin natin mga kosa na malampasan nila ang pagsubok sa buhay.

Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame, na mahigit 30 witnesses ang kinunan ng statement tungkol sa insidente subalit binigyang pansin ng SITG ang testimonies ng pilot na si Lt. Col. Ruel Zalatar at co-pilot na si Lt. Col. Rico Makawili.

Ayon sa mga kosa ko, maaaring magsampa ang SITG ng kasong kriminal at administratibo subalit si Eleazar lang talaga ang makapagdedesisyon nito. Araguuyyy! Hak hak hak! Aksidente lang talaga ang nangyari subalit bahala na si Eleazar kung anong parusa ang ipapataw kina Zalatar at Makawili sa ilalim ng rules ang regulations ng PNP, ‘di ba mga kosa?

Ang Bell helicopter ay binili ng PNP dalawang taon na ang nakararaan sa halagang P435 milyon. Palagi namang ginagamit ito ng PNP top brass at pilot din sina Zalatar at Makawili at hindi naman nagkaaberya ito.

Noong Marso 5, ginamit ito ni Gamboa at iba pang PNP officials para mapabilis ang biyahe nila para inspeksiyunin ang compound sa San Pedro kung saan nakaimbak ang mga nabawing nakaw na mga behikulo ng Highway Patrol Group (HPG). Napuna sa imbestigasyon na binasa ng tubig ang compound bago mag-landing ang helicopter para hindi ito magkaroon ng makapal na alikabok. Sinabi ng mga testigo na binasa uli ang lupa pagkatapos ng inspection ni Gamboa subalit na delay ang pag-take off ng chopper dahil nakihalubilo pa ang police officials sa mga miron at ang iba ay nag-selfie pa. Kaya nang-mag-take off na ang chopper, natuyo na ang lupa at sangkaterbang alikabok ang idinulot nito kaya zero visibility ang mga piloto. Get’s n’yo mga kosa?

Ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame, sinabi ng pilot na sinubukan niyang ibaba ang helicopter subalit sumabit ang huling elisi nito sa kawad ng kuryente kaya bumagsak sila. Mabuti na lang at konting galos lang ang pinsala ni Gamboa, samantalang ang matinding tinamaan ay sina Magaway at Ramos, na kapwa mabait sa mga kasamahan nila, di ba retired PNP chief Gen. Oscar Albayalde Sir? Tumpak!

Sa totoo lang hindi naman nasayang ng PNP ang perang pambili ng Bell helicopter dahil insured ito kaya mababawi rin ito ng liderato ni Gamboa. Abangan!

 

Show comments