^

Punto Mo

Sumunod sa sinasabi ng mga awtoridad

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMING pumupuna at nakikitang mali sa mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Biglang dumami ang mga eksperto ngayon.

May ilan pa riyan, walang ibang magawa kundi magsulat­ ng kanilang mga praning na pananaw para maibahagi sa kani­lang mga mambabasa.

Kesyo ito raw ginagawang hakbang ng kasalukuyang administrasyon na community quarantine ay nakakubling estilong diktaturya.

Taktika raw ito para mapanatili sa puwesto ang kasalukuyang namumuno.

Matindi yata ang kombulsiyon ng mga ito habang sinusulat ang kanilang mga kolum. Huwag magpapaniwala sa ngawngaw ng mga kontrapelong ito.

Kundi ba naman mga hunghang, ngayon lang nangyari ang ganitong klase ng krisis sa bansa.

Asahan mong may mangilan-ngilang discomfort at pagkakamali sa mga panuntunang ipinapatupad.

 E sa halip na makipagtulungan ang mga ito na linawin ang guidelines ng community quarantine, ang pinupuna ay ‘yung mga kilos at galaw ang mga pulis at militar.

Imbes maging instrumento para linawin ang mga patakaran at maintindihan ng mamamayan, nagbibigay pa ng mas mabigat na kalituhan sa publiko.

Bayanihan ang kinakailangan sa mga oras na ito. Pagtutulungan, pagkakaunawaan at pagkakaisa ng pribado’t pampublikong sektor.

 Tigilan n’yo na ang panggugulo!

Nakaririndi na ang ingay ninyo. Sumunod na lang muna kayo sa sinasabi ng mga awtoridad.

AWTORIDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with