^

Punto Mo

Maari bang gamitin ang text messages bilang ebidensiya?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Balak ko pong sampahan ng kaso ang nagbabanta ng masama sa akin at sa pamilya ko. Maari ko po bang gamitin ang mga text messages na ipinadadala niya sa akin bilang ebidensya ng mga pagbabanta nya? — Rommel

Dear Rommel,

Oo maari mong gamitin ang mga text messages bilang pruweba ng pagbabanta sa iyo at sa pamilya. Sa ilalim ng Rules on Electronic Evidence, maaring tanggapin ang text messages bilang ebidensiya basta’t maipresenta ito sa tamang paraan sa korte.

Nakasaad sa nasabing rules na may tatlong paraan kung paano patunayan na authentic o totoo ang isang electronic evidence katulad ng text messages. Ito ay sa pamamagitan ng (1) digital signatures, (2) security procedures na pinahintulutan ng Korte Suprema, at (3) sa pamamagitan ng mismong testimonya ng nagpadala o nakatanggap ng mensahe o ng sinumang may personal na kaalaman ukol dito.

Technical ang unang dalawang pamamaraan ng pag-authenticate ng electronic evidence at halos sa lahat ng pagkakataon ay sa pamamagitan ng pangatlong paraan napapatunayan ang mga ebidensiyang katulad ng text messages.

Ibig sabihin nito, kailangan mo lang kumuha ng screenshot ng text messages na gusto mong ipresenta at i-print ito. Maaa-ring patunayan mo na totoo ang text messages sa pamamagitan ng paggawa ng isang affidavit na nagsasaad ng personal mong kaalaman ukol sa mensahe o sa pamamagitan din ng testimonya na ibibigay mo sa korte.

Hindi lang sa text messages naaangkop ang mga ito dahil ito rin ang kailangang gawin ng sinumang gustong magpresenta ng ebidensiya na hango naman sa social media sites katulad ng mga posts at comments sa Facebook. Kailangan lang na malinaw sa screenshot na kukunin ang pangalan ng nag-post at ang URL o web address ng post.

EBIDENSIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with