“MASARAP kang magluto at maru-nong mag-imbento ng mga iluluto gaya nitong saludsod. Puwede kang kumita rito sa saludsod, Iya,’’ sabi ni Jericho habang hawak ang tinidor na may nakatusok na saludsod.
“Imbento ko lang po yan, Tito. Sinubukan ko lang.’’
“Siyanga pala ano ang balak mong kunin pagkagraduate ng senior high school?’’
“Balak ko po ay Food Technology, Tito.’’
“Aba tamang-tama sa’yo ang course na yan.’’
“Gusto ko pong matuto sa mga bagong kaalaman sa pagkain.’’
‘‘Tiyak na madali kang makakahanap ng trabaho. In-demand ang kurso na iyan ngayon. Mga food company ang mag-aagawan sa iyo, Iya.’’
“Sana nga po.’’
“Maniwala ka sa akin. Madali ka ring makakapag-abroad kapag nakatapos ka ng kursong ‘yan.’’
“Salamat po sa pagpapa-lakas ng loob ko, Tito.’’
‘‘Malakas ang kutob ko na magtatagumpay ka, Iya. Tandaan mo ang mga sinabi ko.’’
‘‘Salamat nang marami.
ISANG umaga, nasa harap ng bintana sina Jericho at Jane at tinatanaw ang malawak na taniman ng palayan. Nakikita nila ang unti-unting pagsungaw ng araw.
“Mahal mo ba talaga ako, Jericho.
“Oo.’’
“Magpapakasal ba tayo?’’
“Oo.’’
“Kahit na hindi na kita mabibigyan ng anak, pa-kakasalan mo pa rin ako.”
“Oo. Mas mahalaga ka sa akin, Jane. Okey lang ako na di mo mabigyan ng anak.’’
Nag-isip si Jane. Mahal na mahal talaga siya ni Jericho. Walang kapantay.
(Itutuloy)