Tuta sa Michigan, tinaguriang ‘unicorn’ dahil sa tayngang nasa ulo nito

ISANG golden retriever na tuta sa Michigan ang tinaguriang “unicorn” dahil sa kakaiba nitong itsura: Mayroon itong isang taynga sa tuktok ng kanyang ulo.

Dinala ang tutang si Rae – “ear” na pabaliktad – sa Family Friends Veterinary Hospital noong ito’y kapapanganak pa lang dahil kinailangan niya ng emergency surgery.

Tinaguriang “unicorn” si Rae ng hospital staff dahil sa kakaibang puwesto ng taynga sa kanyang ulo.

Ayon sa mga sumuri sa kanya, wala raw tawag sa kondisyon ni Rae, na dahil sa kakaiba niyang mga itsura ay nag-viral tuloy ang kanyang mga video sa social media sites.

Show comments